Bawat sandaling kapiling ka
Buong mundo'y biglang nag-iiba
Bawat gusot sa 'ting mga buhay
Biglang napapawi, pag-asa'y nababawi

Bakit ba hindi ko magawang
Pigilin ang aking nararamdaman?
Parang ligaya'y 'di makakamit
Kapag hindi ikaw ang aking makakapiling

Sana ay malaman mo
Ikaw ang siyang pangarap ko
Kahit ang ating mga puso'y mayro'n nang iba
Sana'y malaman mo, ang minamahal ay ikaw

Parang ang puso ko'y pinupunit
Kapag hindi ikaw ang aking makakapiling

Sana ay malaman mo
Ikaw ang siyang pangarap ko
Kahit ang ating mga puso'y mayro'n nang iba
Sana'y malaman mo, ang minamahal ay ikaw

Oh, sana ay malaman mo
Ikaw ang siyang pangarap ko
Kahit ang ating mga puso'y mayro'n nang iba
Sana'y malaman mo, 'yan ang aking hiling
Sana'y malaman mo, ang minamahal ay ikaw

Kahit ang ating mga puso'y mayro'n nang iba
Sana'y malaman mo, ang minamahal ay ikaw