Kailan ka kaya babalik Sa 'king piling, aking mahal? Oh, kay hirap namang isipin Na ikaw ay wala na Kung ako ay mahal mo pa Sana'y bigyan ng pagkakataon Masabi ang lahat sa 'yo Ang pag-ibig ko'y sa 'yo lamang ibibigay Sa 'yo lamang iaalay ang puso Kahit na kailangan pa na ako ay maghintay Magpakailan pa man, ako'y sa 'yo lamang Bakit ba hindi ko magawang Limutin ka, aking mahal? Bawat araw na nagdaraan Hinahanap ang 'yong yakap Ano ba ang nangyari sa atin? Bakit nagbago? Mayro'n ba 'kong nasabi at ika'y nasaktan? Ang pag-ibig ko'y sa 'yo lamang ibibigay Sa 'yo lamang iaalay ang puso Kahit na kailangan pa na ako ay maghintay Magpakailan pa man, ako'y sa 'yo lamang Ang pag-ibig ko'y sa 'yo lamang ibibigay Sa 'yo lamang iaalay ang puso Kahit na kailangan pa na ako ay maghintay Magpakailan pa man, ako'y sa 'yo lamang