Sa piling mo, ako'y buhay Napapawi ang lungkot at lumbay Walang iba para sa 'kin At habang buhay kitang mamahalin Ipinapangako ko Pakakaingatan ko ang iyong puso Hindi ka na mag-iisa 'Pagkat ako ang lagi mong makakasama Sa piling mo nadarama Ang walang patid na pagsinta Minimithi gabi't araw Na ang magmamahal sa akin ay ikaw Ipinapangako ko Pakakaingatan ko ang iyong puso Hindi ka na mag-iisa 'Pagkat ako ang lagi mong makakasama Ngayon at kailanman Sa hirap at ginhawa Sa piling mo, ako'y buhay Napapawi ang lungkot at lumbay Minimithi, gabi't araw Na ang magmamahal sa akin ay ikaw Sa piling mo