Bakit ba may lungkot sa 'yong mga mata?
Ako kaya'y 'di nais makapiling, sinta
'Di mo ba pansin, ako sa 'yo'y may pagtingin
Sana ang tinig ko'y iyong dinggin

Ikaw kaya'y hindi mapalagay
At ang puso mo'y nalulumbay
Hayaan mo, pakaka-ingatan ko ito
At para sa 'yo'y mayro'ng pangako

Pangako, hindi kita iiwan
Pangako, 'di ko pababayaan
Pangako, hindi ka na mag-iisa
Pangakong magmula ngayo'y tayong dalawa
Ang magkasama

La-la-la-la-la la-la-la

Ano itong nadarama ko
Ako kaya'y nahuhulog, umiibig na sa 'yo
Sa tuwing kasama ka'y anong ligaya
Sana sa akin ay magtiwala

'Pagkat tunay ang nadarama ko
Pag-ibig na hindi maglalaho
Ang aking puso ay iyong-iyo
At para sa 'yo'y mayro'ng pangako

Pangako, hindi kita iiwan
Pangako, 'di ko pababayaan
Pangako, hindi ka na mag-iisa
Pangakong magmula ngayo'y tayong dalawa

Tayong dalawa

Pangako, hindi kita iiwan
Pangako, 'di ko pababayaan
Pangako, hindi ka na mag-iisa
Pangakong magmula ngayo'y tayong dalawa
Ang magkasama
Pangako