Kay tagal nang
Naiwang mag-isa
Na 'di nadarama
May isang nagmamahal
Hanggang sa ika'y
Biglang natagpuan
Noon din naramdaman
Ikaw na ang sagot sa 'king dasal

Ngunit bakit ganito
Kung kailan ka mahal at kapiling na
Kaba ko'y 'di maitago
Takot nang umibig pa

Ngayon na ba
Ang pagkakataon kong minimithi
Ngayon na ba
Kasiyahan ba'y di lang sandali
Ngayon na
Pag-ibig ba ay ating kakampi
O masasaktan lang ba ako
Muli

Makakaya pa bang
Turuan ang pusong
Kay tagal nang sarado
Mabubuksan pa ba ito
Giliw ko, nasa 'yo
Ang tanging pag-asa
Puso ko'y buhay na
Turuan mong magbago

Alagaan mo sana
Ang pag-ibig kong laan
Kalakip nito'y pangakong
Mabubuhay kailanman
At sana'y

Ngayon na
Ang pagkakataon kong minimithi
Ngayon na
May makakapiling bawat sandali
Ngayon na
Sana pag-ibig ang ating kakampi
'Pagkat 'di ko na makakayang
Masaktan

Ngayon lang muling umibig
At muling nagkapag-asa
Kaya't sana'y ngayon na
Ngayon na

Ngayon na
Sana pag-ibig ang ating kakampi
'Pagkat 'di ko na makakayang
'Di ko na makakaya
'Di ko na makakaya
Masaktang muli

Ngayon na
Ngayon na
Ngayon na