Masdan mo, giliw, ang munting talahib
Sa buhay natin, ganyan ang damdamin
Pangkaraniwan man nyaring halaman
May halaga pa rin sa daigdig natin

Masdan mo lamang ang bughaw na langit
Lalong gumaganda tuwing ika'y kapiling
Manalig, giliw, tunay ang damdamin sa 'yo
Ikaw lang, hirang, ang buhay ko

Pangkaraniwan man nyaring halaman
May halaga pa rin sa daigdig natin

Masdan mo lamang ang bughaw na langit
Lalong gumaganda tuwing ika'y kapiling
Manalig, giliw, tunay ang pag-ibig sa 'yo
Ikaw lang, hirang, ang buhay ko