Minamahal ko siyang tunay
Kahit ano pa'ng sabihin nila'y
Walang humpay ang pag-alay ko sa kanya
'Pagkat siya lamang ang nagbibigay-kulay

Sa buhay kong ito
Walang iba kundi siya
Naririnig kaya niya 'ko ngayon?

Minamahal ko siya
Ngunit walang magawa
'Pagkat 'di ko na kayang magdusa pa
Minamahal ko siya
Kay hirap namang umasa
Sana'y malaman niya
Na minamahal ko siyang tunay

Bakit kaya gano'n?
Kung sino'ng iyong mahal
Siyang 'di mo kapiling?
Ngayon, ano ang dapat gawin?
Ako'y hirap na, puso'y pagod na

'Pagkat nasasaktan lagi
Nabibigo parati
Nararamdaman kaya niya ito?

Minamahal ko siya
Ngunit walang magawa
'Pagkat 'di ko na kayang magdusa pa
Minamahal ko siya
Kay hirap namang umasa
Sana'y malaman niya
Na minamahal ko siyang tunay