Aking mahal, iniisip kita
Minimithi na ikaw ang laging kasama
O, giliw ko, hindi magmamaliw
Ang pagmamahal na inalay ko sa 'yo

Ang puso ko ay para lang sa 'yo
Pinapangako kong hindi ako magbabago
Kahit na nag-aalinlangan ka
Hinding-hindi maglalaho ang pagsinta

Minamahal kita, ikaw at walang iba
Tunay at wagas ang pag-ibig na nadarama
Sana ay pagbigyan ang tangi kong hiling
Na magpakailanman ika'y maging akin

Kahit na nag-aalinlangan ka
Hinding-hindi maglalaho ang pagsinta, oh
Manalig ka

Minamahal kita, ikaw at walang iba
Tunay at wagas ang pag-ibig na nadarama
Sana ay pagbigyan ang aking hiling
Na magpakailanman ika'y maging akin