Simula pa lang ay alam ko nang ikaw na nga
Ang hinahanap ko na kay tagal ko nang hinintay
Para bang isang panaginip
Tayong dalawa ay magkapiling

Nagtataka, tayong dalawa ay narito
Upang ialay sa isa't isa ang mga puso
'Di man lang dumaan sa aking isip
Balang araw tayo'y magsasanib

Magmula ngayon, ako'y nangangako
Iibigin ka sa habang panahon
Magmula ngayon, magmula ngayon

At sa paglipas ng mga araw sa ating buhay
Ang pag-ibig natin lalo lamang tumitibay
Kahit pa ano ang sumapit
Ang sumpaan ay 'di mababawi

Magmula ngayon, ako'y nangangako
Iibigin ka sa habang panahon
Magmula ngayon, magmula ngayon

'Di man lang dumaan sa aking isip
Balang araw tayo'y magsasanib

Magmula ngayon, ako'y nangangako
Iibigin ka sa habang panahon
Magmula ngayon, magmula ngayon
Magmula ngayon