Kahapon lamang narito ang saya
May dalawang puso, daigdig na kay ganda
Sa kanilang mata mababanaag pa
Ningning ng pagsinta ukol sa isa't isa

Kahapon lamang ay magkahawak pa
Sa isang landasin na ngayo'y nagsanga
Bagama't may ngiti, balatkayong saya
Magkabalikan pa kaya sila?

Kahapon lamang ay kay saya, ah
Woah, woah-oh

Sa kanilang mata mababanaag pa
Ningning ng pagsinta ukol sa isa't isa

Kahapon lamang pag-ibig ay wagas
Animo'y batis na 'di magwawakas
Ngunit ba't naglayo, 'di na nagkasundo
Kahit nagmamahalan kapwa puso
Kahapon lamang pag-ibig ay wagas
Animo'y batis na 'di magwawakas
Ngunit ba't naglayo, 'di na nagkasundo
Kahit nagmamahalan kapwa puso

Kahapon lamang ay kay saya