Hinding-hindi malilimutan
Nang una kang masilayan
Para bang ang lahat sa paligid
Namamangha sa 'yong ganda
At buhat ng ika'y makilala
Biglang nabuhay ang pag-asa
Na malimot ang nakaraan
At puso ko'y muling buksan

Huwag ka nang mangangamba sa akin, sinta
Tangi mong kailangan ay magtiwala

Hinding-hindi magbabago ang puso kong ito
At magpakailanman, sa 'yo lamang
Ibibigay ang pagmamahal
Hinding-hindi magbabago ang pag-ibig ko sa 'yo
O, giliw ko, pangako ko
Ang puso ko'y hindi magbabago

Hinding-hindi ko aakalain madaramang ganito
Wala na akong nais masdan kundi larawan mo
Nagsusumigaw ang damdamin
Parang lumilipad sa hangin
Walang ibang bukambibig
Kundi pangalan mo

Huwag ka nang mangangamba sa akin, sinta
Tangi mong kailangan ay magtiwala

Hinding-hindi magbabago ang puso kong ito
At magpakailanman, sa 'yo lamang
Ibibigay ang pagmamahal
Hinding-hindi magbabago ang pag-ibig ko sa 'yo
O, giliw ko, pangako ko
Ang puso ko'y hindi magbabago

Huwag ka nang mangangamba sa akin sinta
Tangi mong kailangan ay magtiwala, oh (Magtiwala ka, sinta)

Hinding-hindi magbabago ang puso kong ito
At magpakailanman, sa 'yo lamang (Sa 'yo lamang)
Ibibigay ang pagmamahal
Hinding-hindi magbabago ang pag-ibig ko sa 'yo
O, giliw ko, pangako ko
Ang puso ko (Ang puso ko)
Hindi magbabago