Pinilit kong pigilin ang aking damdamin
'Pagkat ika'y 'di na dapat pang ibigin
Ikaw pala'y mayro'ng ibang minamahal
Habang ako'y sa 'ting pagmamahalan lang sumugal

Ang sabi mo ito'y malayo sa katotohanan
At ang puso mo'y nakalaan para sa akin lamang
Bulong ng aking isip ay huwag nang magtiwala
Sigaw ng puso ko'y huwag umasa sa maling akala

Hindi ko na kayang masaktan pa
Hindi na maaari pang ako'y gamitin na
Isang sunud-sunuran
Sa 'yong mga kagustuhan
At halos ang lahat ay ibigay ko na
Hindi ko na mapapayagan pa
Ang puso ko'y paglaruan
Nang puso mong gahaman
Ako'y iyong palayain at huwag mo nang ibigin
Hindi ko na makakaya ang masaktan ka

Huwag mo na sanang patagalin
Huwag mo na akong linlangin
Pagdurusang ito'y hindi na makakaya, ah

Hindi ko na kayang masaktan pa
Hindi na maaari pang ako'y gamitin na
Isang sunud-sunuran
Sa 'yong mga kagustuhan
At halos ang lahat ay ibigay ko na
Hindi ko na mapapayagan pa
Ang puso ko'y paglaruan
Ng puso mong gahaman
Ako'y iyong palayain at huwag mo nang ibigin
Hindi ko na makakaya ang masaktan ka