Ooh, oh-oh, oh-oh, hey

Sa puso ko, ikaw ay bukod-tangi
Sa puso ko, ikaw ang iniibig
Kay dami nang dilag na kay ganda
Ngunit ikaw pa rin ang naiiba
Marahil nga sa taglay mong karisma

Ang 'yong ganda'y tunay na obra-maestra
Ang 'yong tindig ay kahali-halina
At 'di lang panlabas ang 'yong ganda
Ang kalooban mo'y sadyang busilak
Angkin mong talino'y tunay na pambihira

Binibining Pilipina, kagandahan mo'y kumikislap
Maari bang magpakilala, 'pagkat ang puso ko'y bihag mo na
Binibining Pilipina, ikaw ang tangi kong pangarap
Binibining Pilipina, ikaw sa aki'y reyna

Ang 'yong ganda'y tunay na obra-maestra (Tunay na obra-maestra)
Ang 'yong tindig ay kahali-halina
At 'di lang panlabas ang 'yong ganda
Ang kalooban mo'y sadyang busilak
Angkin mong talino'y tunay na pambihira

Binibining Pilipina, kagandahan mo'y kumikislap
Maari bang magpakilala, 'pagkat ang puso ko'y bihag mo na
Binibining Pilipina, ikaw ang tangi kong pangarap
Binibining Pilipina, ikaw sa aki'y reyna
Binibining Pilipina, kagandahan mong kumikislap
Maari bang magpakilala, 'pagkat ang puso ko'y bihag mo na
Binibining Pilipina, ikaw ang tangi kong pangarap
Binibining Pilipina, ikaw sa aki'y reyna

Woah, ooh-ooh-ooh