Tumatalon ang puso Sa tuwa ay patungong Langit na 'ata Ikaw ang kasama Sa titig pa lang tunaw na Hawak sa kamay wala na Akong palag sa Ay pag ibig na ata Sa ilalim ng kalawakan pangalan mong isisigaw Sa ilalim ng buwan ay titigan at hawakan aking kamay Isasayaw ka nang dahan-dahan Hanggang 'di mo mamalayang ako na pala ang 'yong kailangan At gusto mong pamahalanan Tila 'y rosas na pula Labi mong nag-sasalita Kay sarap itigil ang oras Maaari'y itali't iposas Ang iyong mga tingin Labis ang mga ningning O' panaginip ka Ayaw nang gumising pa Sa ilalim ng kalawakan pangalan mong isisigaw Sa ilalim ng buwan ay titigan at hawakan aking kamay Isasayaw ka nang dahan dahan Hanggang 'di mo mamalayang ako na pala ang 'yong kailangan At gusto mong pamahalaan Sa ilalim ng kalawakan pangalan mong isisigaw Sa ilalim ng buwan ay titigan at hawakan aking kamay Isasayaw ka nang dahan dahan Hanggang 'di mo mamalayang ako na pala ang 'yong kailangan At gusto mong pakasalan