Di ko lang maisip-isip na dati ika'y panaginip-ginip lang Ginagawa lahat lahat upang mapansin mo Kay dami- daming oras na pinilit pagkasyahin upang makasabay ka sa jeep Di baleng maghintay basta't makatabi sayo Aking mundo'y tila huminto Nang tinawag mo ang pangalan ko At pinagtagpo tayo ng pag-ibig Kahit na malabo't tutol ang daigdig Oh hindi na kailangang banggitin at pag-usapan Ang kay dami-dami-daming pinagdaanan Na hindi mo lang alam Naalala mo pa kaya nung mga panahong akoy napahiya Bigla- bigla nalang nadapa't ikaw ang sumalo Kabog ng puso'y sing lakas ng kulog Habang tuhod koy tuloy ang pagngatog Sabi mo "ingat ka" sabay ngiti at tumango At hinawakan mo ang kamay ko Tila oras ay biglang huminto At pinagtagpo tayo ng pag-ibig Kahit na malabo't tutol ang daigdig Oh hindi na kailangang banggitin at pag-usapan Ang kay dami-dami-daming pinagdaanan Na hindi mo lang alam Ngayon ay katabi ka na Sabi mo noo'y nag-aabang ka din pala Umaasang ako'y makita Masilayan man lang ang aking mukha... Kaya pala Pinagtagpo ng pag-ibig Kahit na malabo't tutol ang daigdig Oh hindi na kailangang ilihim pa't magkahiyaan Oh kay dami dami daming napagdaanan Na hindi mo lang alam Di mo alam... Di mo alam... Di mo lang alam Di mo alam...