Pwede bang hindi na kita lapitan?
Pag mamasdan na lang
Alam mo nanaman
Aking nararamdaman

Pwede bang hindi na rin kita kausapin?
Ang hirap na kasing
Magkunwaring
Hindi ka iniirog

Pwede bang huminga?
Pwede bang magpahinga?
Masakit ang dibdib
Ng taong umiibig

Hindi ko maamin
Sa sarili
Hindi ko maamin
Sa iyo
Na nalulunod na ako
Sa tula ng ating puso
Samahan mo akong
Intindihin ang talinghaga
Ng pag-ibig

Pwede bang hindi kita sulatan?
Walang mararating
Kung 'di mababanggit
Ang iyong pangalan

Pero nahihiya ako sa'yo
Sabihin mo sa'kin
May ibig sabihin
Ang ating mga tingin

Pwede bang huminga?
Pwede bang magpahinga?
Masakit ang dibdib
Ng taong umiibig

Hindi ko maamin
Sa sarili
Hindi ko maamin
Sa iyo
Na nalulunod na ako
Sa tula ng ating puso
Samahan mo akong
Intindihin ang talinghaga
Ng pag-ibig

O, pwede bang hilahin mo na lang ako?
Sabihin mo may mararating ito
Kasi kung tamang oras lang naman
Ang problema
Kayang kaya ko maghintay
Basta ikaw ang kasama

Hindi ko maamin
Sa sarili
Hindi ko maamin
Sa iyo
Na nalulunod na ako
Sa tula ng ating puso
Samahan mo akong
Intindihin ang talinghaga

Hindi ko maamin
Sa sarili
Hindi ko maamin
Sa iyo
Na nalulunod na ako
Sa tula ng ating puso
Samahan mo akong
Intindihin ang talinghaga
Ng pag-ibig