Hanggang dito na lamang
Ang iyong mga luha
Tama na
Tahan na

Hihilumin
Ang iyong mga sugat
Pighati'y
Wakas na

Mga himig na inilaan sa'yo
Kunin at ibaon sa puso mo
Bagong araw ay paparating
Hintayin ang pagkakataon

Nandito lang ako
Umaakay sa'yo
Nandito lang ako
Naghihintay sa'yo
...