Ano na nga bang nangyayari Hindi naman tayo gan'to dati Ang puso ay nanggagalaiti Habang ako'y humihikbi Ano na nga bang mangyayari Sa hinaharap natin Di ko na kayang tiisin Ang ginagawa sa atin Respeto Ang ninanais ko Sana'y maintindihan mo Ako'y nasaktan mo Ano na nga bang gagawin Ikaw ba'y mananalamin O patuloy mong tatahakin Ang landas na madilim Respeto Ang ninanais ko sayo Sana'y malaman mong Nasaktan akong husto Ano na nga bang gagawin Di na makalikha ng sining Di ko na yatang kayang alisin Ang sama ng damdamin Respeto Bilang isang tao Sana'y pakinggan n'yo Ang damdamin ko