Nanatili sa kanyang alaala
Mga dahon na pakalat-kalat
Sa paligid ng gusali ng kanilang 
Paaralan tuwing taglagas

Nag-iiba ang kulay ng nakaraan
Habang tumatakbo ang kasalukuyan

Maligaya ang pangalan ng dakong
Pinagmulan ng kahit minsan
Kabalintunaan ang mga siglaw
Na pinagtabi sa'yong isipan

Nag-iiba ang kulay ng nakaraan
Habang tumatakbo ang kasalukuyan

Nag-iiba ang kulay ng nakaraan
Habang tumatakbo ang kasalukuyan

Tamis at pait
Ang naidudulot ng pagbabalik-tanaw
Ngunit bawat taon
Ay may nai-aambag sa kabuuan ng ikaw

Tamis at pait
Ang naidudulot ng pagbabalik-tanaw
Ngunit bawat taon
Ay may nai-aambag sa kabuuan ng ikaw