Pagod na utak
Pusong gising
Pahingang binakuran ng gabi

Sinusubukang
Intindihin
Palaisipang sarili

Mabigyan lang sana ng kapayapaan ang isip

Lunod sa limot
Di napansin
Di alam kung saan patungo

Walang layunin
Walang minimithi
Hanggangsaan kaya makakarating