Ngiti'y di mapigilan
Sa sayang naramdaman
Makita ka'y tila
Batang pinagbigyan
Ayaw umalis sa sandali

Dito muna tayo
Dito muna tayo

Galugarin man ang puso
Ika'y matatagpuan
Hanapan man ng dahilan
Hinding hindi mauubusan
Ikaw ang lagi lagi sa isipan

Dito muna tayo
Dito muna tayo

Dala ang mga kwento
Hanggang sa paguwi
Ibabaon sa puso
Ang iyong mga ngiti

Dito muna tayo
Dito muna tayo