Dinala ka namin sa Bahay na puti Kung saan makakapahinga Ang iyong mga damdamin At doon sa kama Sabi mo uwing-uwi ka na Baka bukas makalawa Makauwi sana Ah, ah, ah Hinihingal ka Inakyat mo ang bulubundukin Bawat hakbang Binibitawan ng kalungkutan At doon sa tuktok Nakita mo ang bahay mo Baka bukas makalawa Makauwi sana Ah, ah, ah 'Di naman namin alam Ito na ang huling paalam Kumapit ka sa kamay ng umaga At 'di na bumitaw Uuwi ka na pala Uuwi ka na pala Uuwi ka na pala Umuwi ka na pala Umuwi ka na pala Nakauwi ka na Dinala ka niya Bahay na puti Kung saan makakapahinga Ang iyong mga damdamin