Ito ba ang mundo ko
Ito rin ba ang mundo ninyo
Ito na nga lang ba ang mundo

Namimili lang ang isip ng kwebang pagtataguan
Pinapanood lang mga anino mula sa isang sulok

Hindi ito ang tunay na mundo
Hindi ito ang tunay na mundo
Mga multong nagkatawang-tao
Hindi ito ang tunay, Hindi ito ang tunay
Hindi ito ang tunay na mundo

Anyo na mismo ang totoo
Hugis ng dilim na ang buo
Kulungan ang aking hulma

Namimili lang ang isip ng kwentong paniniwalaan
Ang kweba'y tanghalan, apoy ang patnugot, mapanlinlang

Hindi ito ang tunay na mundo
Hindi ito ang tunay na mundo
Mga multong nagkatawang-tao
Hindi ito ang tunay, Hindi ito ang tunay
Hindi ito ang tunay na mundo