Ano na naman ba'ng dahilan
Bakit mo ako "inindyan"
Di ka man lang nagparamdam
O di kaya'y tumawag man lang

Sabihin mo na lang kung ayaw mo na
Para di na ako aasa pa
Kung anu-ano pang iyong dahilan
Lalo lang akong nasasaktan

Hwag mo na akong paasahin pa
Kung wala ay agad sabihin mo na
Hwag ka nang magpahiwatig pa
Ibabaling ko na lamang sa iba
At baka doon ay meron pang mapala

Ang laki pa naman nang aking ngiti
Sapagkat sa wakas makikita kang muli
Sa sobrang tuwa ako'y di mapakali
Iniisip ko ito araw gabi

May surpresa pa naman akong dala-dala
At sigurado akong ika'y matutuwa
Ngunit sa inis ko ay biglang nawala
Kaya't hinagis ko na lamang sa basura

Hwag mo na akong paasahin pa
Kung wala ay agad sabihin mo na
Hwag ka nang magpahiwatig pa
Ibabaling ko na lamang sa iba
At baka doon ay meron pang mapala

Mapala
Mapala
Mapala

Sabihin mo na lang kung ayaw mo na
Para di na ako aasa pa
Kung anu-ano pang iyong dahilan
Lalo lang akong nasasaktan

Hwag mo na akong paasahin pa
Kung wala ay agad sabihin mo na
Hwag ka nang magpahiwatig pa
Kung wala ay agad sabihin mo na
Hwag ka nang magpahiwatig pa
Kung wala ay agad sabihin mo na
Ibabaling ko na lamang sa iba
At baka doon ay meron pang mapala

Ibabaling ko na lamang sa iba
At baka doon ay meron pang mapala