Kakalimutan na
Ang mga alaala
Para sa bukas ko
Ang sigurado lang
Ay wala ka na

Teka muna
Kung ito na ang wakas
Ang lahat ba ng pangarap ko
Ay magwawakas
Teka muna

Iiwanang pilit
Ang mga nakaraan
Lahat ay gagawin
Para matapos na
At maka-alpas

Teka muna
Kung ito na ang wakas
Ang lahat ba ng pangarap ko
Ay magwawakas
Teka muna
Teka muna

Sisimulan
Sa patak ng luha
Di ikukubli
Mga naiwang sugat
Lahat ng bangungot haharapin
Para sa paghilom na tatawirin

Sisimulan
Sa patak ng luha
Di ikukubli
Mga naiwang sugat
Lahat ng bangungot haharapin
Para sa paghilom na tatawirin

Teka muna
Kung ito na ang wakas
Ang lahat ba ng pangarap ko
Ay magwawakas
Teka muna
Teka muna

Hanggang dito lang ako
Nangangarap na mapasayo