Alas-kwatro pa ng umaga, dito pa rin, tulala Nalulunod lang sa alaala, pero wala namang magawa Kahit ipikit mga mata, memoryado pa rin ang iyong mukha Nung sabi mo sa'kin, "'Di na uulitin" at 'di mo naman sinasadya 'Di ko alam ang gagawin, kahit ano pa ang sabihin 'Di mo naman naririnig, parang ang layo mo na rin Nandito ka nga sa'king tabi, pero nakaguhit ang ngiti Ang sugat ba'y gumagaling O natututo lang ba tayong magkunwari? Pa'no ko ba malalaman kung tama ba'ng ginagawa? Dami namang natutunan, hindi lang ang maging masaya Kahit ipikit mga mata, memoryado pa rin ang nagawa Umaasa na lang na balang-araw ma-matutuyo rin ang luha 'Di ko alam ang gagawin, kahit ano pa ang sabihin 'Di mo naman naririnig, parang ang layo mo na rin Nandito ka nga sa'king tabi, pero nakaguhit ang ngiti Ang sugat ba'y gumagaling O natututo lang ba tayong magkunwari? 'Di ko alam kung pa'no makakausad dito? 'Pag tumingin pa sa malayo, para bang gustong maglaho Ikakasama ko pa ba kung gusto ulit magsimula Nawawalan na ng pag-asa, kasalanan bang lumaya? 'Di ko alam ang gagawin, kahit ano pa ang sabihin 'Di mo naman naririnig, parang ang layo mo na rin Nandito ka nga sa'king tabi, pero nakaguhit ang ngiti Ang sugat ba'y gumagaling O natututo lang ba tayong magkunwari?