Binabalik balikan ko na lang yung
Mga panahon na
Masaya pa tayong dalawa
Oh, pero san tayo napunta?
Ni hindi ko magawang mangamusta
Still reminiscing all the times
When I'm still callin' you mine
Yeah tanggap kong di na tayo
Sobrang labo ng litrato

'Di lang mga alaala ang iniwan
Amoy mo sa damit na kinapitan
Wala nang palihim na mga liham
Para sakin alam mong hindi to madalian
Eh sanay akong ikaw yung katabi
Yakap lang kita gabi gabi
Bumabalik ako saglit kapag inaalala
Ko yung mga panahon na meron tayong dalawa
Sumusulat ng kanta
Pag wala 'kong magawa
Magsalubong man tayo baby, di na kita
Babatiin kasi okay na kong

Binabalik balikan ko na lang yung
Mga panahon na
Masaya pa tayong dalawa
Oh, pero san tayo napunta?
Ni hindi ko magawang mangamusta
Still reminiscing all the times
When I'm still callin' you mine
Yeah tanggap kong di na tayo
Sobrang labo ng litrato

Sobrang labo labo labo labo
Sobrang labo labo labo labo

Ng mga alaala natin magkasama
Salamat pa rin dahil pinaramdam mo sakin
Ang simpleng pagmamahal

Simula nung dumating ka pinakita mo na di pala din madilim ang araw araw ko gabi gabi
'Di natin nakita na mali pala yung linya na dinadaanan natin di pa tayo nag tabi
Sinubukan natin laruin o kaso di tayo nanalo
Walang away pero di na nag bati
Oh di narin kita dama
Baka ganon lang talaga
Kaya ko binabalik balik balikan
Na panoorin kung palarin mapagana
Pa yung puso malamig
Dapat parin ba ko makinig?
Kung ang sinasabi sakin ng sarili ko ay alam ko namang mali na
Pero ulit ulit kitang nakikita, kusa kong naaalala yung mga
Pinangharana kong kanta habang sa dalawang mata ko nakatitig
Ka't nakangiti

Baby okay na sakin na

Binabalik balikan ko na lang yung
Mga panahon na
Masaya pa tayong dalawa
Oh, pero san tayo napunta?
Ni hindi ko magawang mangamusta
Still reminiscing all the times
When I'm still callin' you mine
Yeah tanggap kong di na tayo
Sobrang labo ng litrato

Sobrang labo labo labo labo
Sobrang labo labo labo labo

Ng mga alaala natin magkasama
Salamat pa rin dahil pinaramdam mo sakin
Ang simpleng pagmamahal