Kaibigan lng ang turing ko sayo
Akala ko ganun din ang tingin mo sa akin
Bakit ba nilihim mo noon?
Dati-rati'y palagi pang magkasama tayo

Nagkwekwentuhan nang magdamag
Hanggang abutan ng umaga
Ngayon ay tumatawa ng mag-isa

Tahan na, tama na
Lumipas na ang bukas
Tahan na, wala na
Inalon ng kahapon
Ngayon wala na, nag-iisa
Umikot man ating mundo
Nakakulong ang puso kong ito

Di nagtagal nagkita rin tayo
Lumapit ka ngunit parang ang layu-layo mo
Isang tingin, isang ngiti
Nanunuyo ang 'yong labi
Mukhang wala ng mangyayari pa

Tahan na, tama na
Lumipas na ang bukas
Tahan na, wala na
Inalon ng kahapon
Ngayon wala na, nag-iisa
Umikot man ating mundo
Nakakulong ang puso kong ito

Meron nagtanong kung naging tayo ba noon
Siya ay nagpakilala na iyong
Kasintahan

Tama na
Lumipas na ang bukas
Tahan na, wala na
Inalon ng kahapon
Ngayong meron kang sinisinta
Umikot man ang ating mundo
Nakakulong ang puso kong ito
Nakakulong ang puso kong ito
Tahan na...