Simula ng pag-ibig natin ay kayganda
Alam natin sa isa't isa tayong magkatadhana
Ikaw at ako Laban sa mundo pa ngang ating drama
Nagsumpaan habambuhay ang pag sasama

Ngunit, Lumipas ang mga taon
Parang nangupas ang ating relasyon
Bakit ako na lang ang maligaya
Pakiramdam ko ay gusto mo ng lumaya

Litong-lito, pag-ibig ko sa'yo
Litong-lito itong aking puso
Mahal mo pa ba ako o ako na lang
Ang natitirang nagmamahal sa'yo?
Litong-lito, woah oh
Litong-lito, woah oh

Dati-rati ay palagi mo akong kinukumusta
Di mapakali tuwing hindi ako sumasagot agad
Panay ang tingin, hawak at lambing tuwing magkasama
Nagsumpaan habambuhay ang pag sasama

Ngunit, Lumipas ang mga taon
Parang nangupas ang ating relasyon
Bakit ako na lang ang maligaya
Pakiramdam ko ay gusto mo ng lumaya

Litong-lito, pag-ibig ko sa'yo
Litong-lito itong aking puso
Mahal mo pa ba ako o ako na lang
Ang natitirang nagmamahal sa'yo?

Pwede ka ng lumaya
(Pwede ka ng lumaya)
Pwede mo na kong iwan
(Pwede mo na kong iwan)
Nais kong malinawan
(Nais kong malinawan)
Ayokong tayong dalwa ang mahihirapan

Litong-lito, pag-ibig ko sa'yo
Litong-lito itong aking puso
Mahal mo pa ba ako o ako na lang
Ang natitirang nagmamahal sa'yo?
Litong-lito, woah oh
Litong-lito, woah oh
Litong-lito, woah oh
Litong-lito, woah oh