Konti na lang
Wag kang aayaw
Konting-konti na lang
Matagal-tagal na rin namang naghihintay
Ngayon pa ba maiinip kung kailan
Konti na lang

Konti na lang
Wag kang bibitaw
Konting-konti na lang
Malayo ka man pag-ibigang magtutulay
Ngayon pa ngaba susuko kung kailan
Konting-konti na lang

Bumibigat ang bawat mong paalam
Sinusukat ang ating pagmamahalan
Kumapit man nang mahigpit sa pangako mong
Magbabalik
Lungkot ang siyang nananaigsa labis na
Pananabik
Umaasa kahit na nangungulila
O mahal kita
Ngunit ang hirap-hirap mag-isa

Konti na lang
Ang pag-uwi ay wag patagalin sana...
Pagkat konti na lang
Ay mahuhulog na ang puso sa kanya

Pinipilit mang labanan ay bumibigay
Ngayon pa ba matutukso
Kung kailan
Konting-konti na lang

Bumibigat ang bawat mong paalam
Sinusukat ang ating pagmamahalan
Kumapit man nang mahigpit sa pangako mong
Magbabalik
Lungkot ang siyang nananaigsa labis na
Pananabik
Umaasa kahit na nangungulila
O mahal kita
Ngunit ang hirap-hirap mag-isa

Konti na lang
Ang pag-uwi ay wag patagalin sana...
Pagkat konti na lang
Ay mahuhulog na ang puso sa kanya
Pagkat konti na lang
Ay mahuhulog na ang puso sa kanya