Parang ang lungkot lang ng walang hanggan
Kung paulit-ulit lang nasasaktan
Tayo at hindi, away bati, muli't muli
Kung tutuldukan, gan'on pa man, kung pwede lang

Kahit sa huli, hagkang muli
Ang damdamin nating pilit pa ring ibinabalik
Paulit-ulit man
Kahit sa muli, hanggang huli
Kung maaring 'wag nang magmadaling
Magpaalam din
Sulitin ang nalalabing sandali
Kung ito na ang huling muli

Kahit na bilang na lang ang panahon
Bago man matapos ang ating ngayon
Pwedeng magpanggap nalang ganap nating tanggap