Isang numero na lang ang kailangan ko
Isang numero sa hawak na telepono
Di malimutan ang ganda ng iyong mukha
Nahulog ba ako sa'yo ng di sinasadya?

Isang numero, isang numero
Tatawag ba sa'yo? Tatawag ba sayo?
Isang numero isang numero
Tatawag ba sayo? Tatawag ba sayo?

Di ko alam ang nararamdaman
Isip at puso'y naguguluhan
Di ko alam ang nararamdaman
Di ba't bagong kakilala ka lang?

Sarili ba ay dapat na pagbigyan?
Di ba't bagong kakilala ka lang?
Sarili ba ay dapat na pagbigyan?
Di ba't bagong kakilala ka lang?

Isang numero na lang ang kailangan ko
Isang numero para makausap mo
Sasabihin ba sa'yong gustong gusto kita
Di naiwasan nang magtama ang mga mata

Isang numero, isang numero
Tatawag ba sa'yo? Tatawag ba sayo?
Isang numero isang numero
Tatawag ba sayo? Tatawag ba sayo?

Di ko alam ang nararamdaman
Isip at puso'y naguguluhan
Di ko alam ang nararamdaman
Di ba't bagong kakilala ka lang?

Sarili ba ay dapat na pagbigyan?
Di ba't bagong kakilala ka lang?
Sarili ba ay dapat na pagbigyan?
Di ba't bagong kakilala ka lang?

Ang 'yong ngiti,ang 'yong buhok
Ang 'yong galaw,ang 'yong suot
Ang 'yong ngiti,ang 'yong buhok
Ang 'yong galaw,ang 'yong suot

Di ko alam ang nararamdaman
Isip at puso'y naguguluhan
Di ko alam ang nararamdaman
Di ba't bagong kakilala ka lang?

Tatawag ba sayo?
Mmmm...
Tatawag ba sayo?