Sa tinagal-tagal ng panahon
Na tayo'y magkasama
Hindi ka nagbago
Ganun ka parin
Katulad ng dati na hindi nang-iiwan
Saan man tayo mag-tungo

At kay rami na nating pinagdaanan
Mga problemang halos di na makayanan
Pero dahil sa ating pagmamahalan
Lahat ay ating nalampasan

Buti na lang, ika'y nandyan
Sa aking tabi, nananatili
Dahil sa iyo, lumalakas ako
Sa haplos at yakap mo
Lungkot ay naglalaho
Buti na lang, ika'y nandyan

Sa tinagal-tagal ng panahon
Na tayo'y magkasama
Di ka nagbago
Ang iyong kagandahan
Ngiting hindi mapantayan
Di parin naglalaho

At kay rami na nating pinagdaanan
Mga problemang halos di na makayanan
Pero dahil sa ating pagmamahalan
Lahat ay ating nalampasan

Buti na lang, ika'y nandyan
Sa aking tabi, nananatili
Dahil sa iyo, lumalakas ako
Sa haplos at yakap mo
Lungkot ay naglalaho
Buti na lang, ika'y nandyan

Buti nalang, buti nalang ika'y nandyan
Whooaa...