Malamig na ang hangin Maganda ang tanawin pero sayo nakatingin San mo ba 'ko dadalhin? san mo ba 'ko dadalhin? Pero bahala na rin kung saan makarating Basta kasama ko pa rin ang Siyang babae na walang kupas ang dating at Walang problema kung salitan sa manibela Basta wag kang matutulog sa kwento akong bahala At kung ang ingay ng kalsada ay di mo trip Tumingin sa bituin, nagniningning doon sa langit Para satin, dahil para satin ang gabi na to Isabay sa pagsakay ang tugtugan natin sa isteryo Sabihin mo sakin Ang mga tanong na dahilan kung bat di makatulog Sa gabe Wag ka mahiya kasi hindi tayo nagmamadali Masyadong maliwanag ang mga poste sa daan "Tutal traffic naman, yung speaker hihinaan ko nalang muna. Teka lang ha? sana ganto nalang ka-traffic palagi no? Para matagal pa tayo magkasama. Para marami pa tayong mapagkwentuhan." Handa kong makinig sayo walang pake kung maligaw Pumunta kahit saan basta kasama ay ikaw Basta kasama ay ikaw