Kapag ka naiinis ka Tumingin ka lang sa langit Itingala mo lang saglit Ipaubaya na sa hangin Isa lang, isa lang ang tinitignan nating langit Isa lang, isa lang ang hinihinga nating hangin Isa lang ang buhay na bigay sa atin Isa lang, isa lang La la lalala lala lala Ano ba ang pagmamahal? Yun ba yung nagtatagal Yung pwede mong sandalan Kapagka napapagal Sasamahan mula bulsang mapayat Hanggang sa kumapal Hanggang makalabas Hanggang makapasyal 'Di na makapaghintay na ikaw ay bihisan ng bago kong bili Sana magustuhan mo Oras nilalaan ko Suportahan palagi tapos ipinagdarasal ko Sana lahat ng gusto mo abutin ay makamit mo Kung di ka sigurado subukan mo Okay lang na malito Magiging malapit lalo kapagka sinasambit mo Kahit buong mundo kalaban ako ang kakampi mo Kung iniisip mong walang naniniwala Naniniwala ako sayo Natural mag-alangan Kase Sinilang na walang kaalam alam Ano ang aking misyon Hindi ko rin to alam Basta ang alam ko lang Gusto kong maranasan lahat ng bagay na Gusto iparamdam Sa'kin ng mundo at matutunan ang di pa alam Sisirin pa ang lalim ng aking kaalaman Ilapit pa ang sarili sa kalikasan Ano kaya ang tadhana sakin nakalaan? Isa lang, isa lang ang tinitignan nating langit Isa lang, isa lang ang hinihinga nating hangin Isa lang ang buhay na bigay sa atin Isa lang, Isa lang La la lalala lala lala Bisita lang ako sa mundong to Wala kong pagmamay-ari Kumbaga alikabok ituring ng kalawakan, agiw Simpleng taong, mayroong big dreams May hangarin Gusto abutin bago katawang lupa lisanin Malasakit 'di maipakita Kasi medyo mahiyain Kung di ka makasabay Tempo papabagalin Sasamahan ka lagpasan Akbayan patawid mga balakid Sasamahan ka palagi kapagka ikaw ay nababadtrip Saang resto tayo kakain Saan tatambay para sa presko na hangin Tutulungan ka na kahit Di ka pa lumalapit Mahigpit kang yayakapin Kung walang sagot sa bakit Pwede rin naman Kung gusto mo manahimik Atin munang palipasin Kasi kahit anong ulan ang magdaan sa atin Kung tunay Hindi ka kakalawangin Di malilimitahan (Yeah, yeah, yeah, yeah) Di malilimitahan Di malilimitahan Mula Navotas gang Cubao Sa tag-araw, tatlong oras na byahe Nagtatrabaho buong araw kasi uhaw Sa buhay na mayroon Musika ang inspirasyon Yeah Gusto ko ring magkaron Gusto kong pumunta don Mula pano kaya 'yon? Hanggang pwede pala 'yon Daigdig na di lalaban ng patas Pano makakalamang Pag-ibig lang ang dala ko Walang nang mapaglagyan Humiga sa damuhan kalawakan tignan Kaya ko din kuminang Kahit na maglayo ating landas Sana maalala mo ako sa magandang paraan Laging tandaan Isa lang ang langit na ating tinitignan Baka pag nakatingin ka'y akin din siyang pinagmamasdan Isa lang naman ang mundo na ating ginagalawan