Wala nang ibang mapupuntahan, sinubukan lahat-lahat
Ng paraan para mabuhay sa mundong malupit sa taong tulad ko

Sino ba ako sa iyo para paglaanan ng walang hangganan?
Bawat sugat ng puso ko'y hinilom mo

Narito at sinisilip ka, nagtataka kung pa'no mo ako nahagilap
Sa landas na madilim, malabo't walang kahulugan

Sino ba ako sa iyo para paglaanan ng walang hangganan?
Bawat sugat ng puso ko'y hinilom mo

Alam mo lahat ng aking pagkukulang
Sa halip na ikahiya ay 'di mo ako iniwan
Sabay tayong dumaing hangga't umabot ng langit

Sino ba ako sa iyo para paglaanan ng walang hangganan?
Bawat sugat ng puso ko'y hinilom
Sino ba ako sa iyo para paglaanan ng walang hangganan?
Bawat sugat ng puso ko'y hinilom mo