Subukan mang iwasan
Tibok ng mga puso ay hindi mapigilan
Salamat at hinayaan
Hinayaang mahulog
Natatakot man na maaring masaktan

Habang tumatagal, mas minamahal
Habang tumatagal, ang buhay nagkakakulay
Mga pagsubok ay giginhawa
Kalungkutan ay liligaya
Ang hangganan ay walang hanggan
Habang tumatagal

Salamat at hinayaan
Makilala ng lubusan, magtiwala
Ang tinadhana lahat malalagpasan
Basta' t ikaw ang kasama
Lahat ay kayang gawin
Sa hirap man o pasakit pa
Tayo parin ang magsasama

Habang tumatagal, mas minamahal
Habang tumatagal, ang buhay nagkakakulay
Mga pagsubok ay giginhawa
Kalungkutan ay liligaya
Ang hangganan ay walang hanggan
Habang tumatagal

Ikaw at ako
Sinubok tayo ng panahon
Pinagtagpo ng kapalaran
Pinagtibay ng pagmamahalan

Habang tumatagal, mas minamahal
Habang tumatagal, ang buhay nagkakakulay
Mga pagsubok ay giginhawa
Kalungkutan ay liligaya
Ang hangganan ay walang hanggan
Habang tumatagal

Habang tumatagal
Habang tumatagal