Ganito ang Pasko
Ganito ang Pasko, Pasko ng Pilipino
Ganito ang Pasko
Ganito ang Pasko, Pasko ng Pilipino

Lalo pa ngang sumasaya
Pag-ibig natin sa isa't-isa
Dahil ganito ang Pasko
Isa tayo sa puso

Lalo pa ngang gumaganda
Paligid ay umaapaw sa tuwa
Dahil ganito ang Pasko
Pag-ibig ang handog sa iyo

Ikaw, ako, umawit tayo
(Ganito ang Pasko)
Isigaw sa buong mundo
(Ganito ang Pasko)
Malapit man o sa malayo
(Ganito ang Pasko)
Ngayong Kapaskuhan
Mas magmahalan tayo

Ito ang Pasko ng Pilipino
(Salamat sa pag-ibig)
Ito ang Pasko ng Pilipino
(Salamat sa pamilya)

Ganito ang Pasko, Pasko ng Pilipino
Ganito ang Pasko, magkakasama tayo
Ganito ang Pasko, Pasko ng Pilipino
Ganito ang Pasko, tayo'y isa sa puso

Kahit na simple ang handa
Puso ay umaapaw sa saya
Dahil ganito ang Pasko
Pasasalamat, punong-puno, hoo!

Ito ang Pasko ng Pilipino
(Diyos ay pasalamatan)
Ito ang Pasko ng Pilipino
(Araw Niya'y ipagdiwang)

Ganito ang Pasko, Pasko ng Pilipino
Ganito ang Pasko, magkakasama tayo
Ganito ang Pasko, Pasko ng Pilipino
Ganito ang Pasko, tayo'y isa sa puso

Ikaw, ako, panalo tayo—
Sa mga hamon ng isang taon
Ikaw, ako, magdiwang tayo
Dahil sa Kanya, puno ng pag-ibig ang Pasko

Ganito ang Pasko, Pasko ng Pilipino
Hoah...
Ganito ang Pasko
Ganito ang Pasko, Pasko ng Pilipino
Hoah...
Ganito ang Pasko

Ito ang Pasko ng Pilipino
(Salamat sa pag-ibig)
Ito ang Pasko ng Pilipino
(Salamat sa pamilya)
Ito ang Pasko ng Pilipino
(Diyos ay pasalamatan)
Ito ang Pasko ng Pilipino
(Araw Niya'y ipagdiwang)

Ganito ang Pasko, Pasko ng Pilipino
Ganito ang Pasko, magkakasama tayo
Ganito ang Pasko, Pasko ng Pilipino
Ganito ang Pasko, tayo'y isa sa puso
Ganito ang Pasko, Pasko ng Pilipino
Ganito ang Pasko, Pasko ng Pilipino