Una't nag-iisang mahal Mula noon, hanggang ngayon ikaw lamang Ang nais kapiling, bawat oras, bawat araw At di pagsasawaan kailanman Una't nag-iisang mahal Ating hahayaan ang buong mundo'y Humanga sa pag-ibig nating dalawa Mga pusong pinag-isa ng tadhana Walang luha, walang hapdi, walang pangangamba Buong buhay, buong tiwala sa isat isa Marahil nga'y hindi kapanipaniwala Tayo'y nagtagal Una't nag-iisang mahal Di ko kailangan alamin Kung bakit tila nag-iisa ang landas natin Taus-pusong pasasalamat lamang sa Maykapal Tugon sa 'king dasal Una't nag-iisang mahal