Ilang taon na rin bang nakalipas nang huli kitang
Masilayan, matititigan, makausap
Matagal ding nangulila sa iyong mga mata

Kamusta ka na ba?
Mayron bang nag-iba?
Sana kahit papa'no ay ngumingiti ka pa
At wag mag-alala
Dahil sa araw-araw iniisip kita

At s'an man mapunta, babalik pa rin
Sa'yong tabi sinta na parang walang nag-iba
Na parang 'di man lang lumipas panahon
At uuwi pa kahit umulan o umambon

Dahil walang kahit sino o ano man makahahadlang sa'ting dalawa
'Pagkat tayo'y iisa

Magkikita rin naman tayo sa dulo
Kahit sa pagtulog ay tumatakbo patungo s'an mang sulok ng kaisipan
'Di mo lang alam, yeah
Gabi-gabi ko nang gustong makita
Kaso may pagitan sa puwang
Kung pwede lang ka'gad mapunta d'yan
Kung pwede lang, yeah