Yeah, yeah, hey

Bakit minamasdan langit na walang bituin
Habang lumalalim ang hatinggabi?

Nawala ang kislap sa aking mata
Magmula nang ako'y nilisan mo na
Ngunit 'di mapigilan

Paulit-ulit pa ring nagmamahal
(Paulit-ulit pa ring) naghihintay
Paulit-ulit (Wooh-oh)
Paulit-ulit pa ring (Ooh, wooh)

Sadyang binuhay mo ang init ng gabi
At umasa akong hindi magmamaliw

Nawala ang sigla ng aking daigdig
Namanglaw ang kulay at himig
Kahit ito'y nilisan mo, oh

Paulit-ulit pa ring nagmamahal
(Paulit-ulit pa ring) Ooh, naghihintay
Paulit-ulit (Wooh-oh)
Paulit-ulit pa rin (Ooh, wooh, oh-wooh)