Alam kong mayro'n nang iba Sa kilos mo'y nadarama Mukhang ako ay nakalimutan mo na Wala nang masasabi, 'di ba? Kapit mo, kay lamig na Pati yakap mo'y wala nang gana Maagaw ka man ng iba sa akin Pag-ibig ko'y patuloy pa rin Sa isip ko'y yakap ka pa Sa isip ko'y walang iba Mananatiling ikaw ang kapiling Kahit sa isip ko lang lamang Alam kong mayro'n nang iba Ang init ay nanlamig na Ba't 'di maamin ang 'di malilihis? Ikaw at ako'y tapos na Bawat hakbang ay palayo ka Walang linaw na babalik ka Maagaw ka man ng iba sa akin Pag-ibig ko'y patuloy pa rin Sa isip ko'y yakap ka pa Sa isip ko'y walang iba Mananatiling ikaw ang kapiling Kahit sa isip ko lang lamang Mananatiling ikaw ang kapiling Kahit sa isip ko lang lamang