Oh, kahit ano pa ang sabihin nila Alam mo na ang totoo Na sarili lang naman talaga Ang limit, limit, limitasyon Kahit ano pa ang sabihin nila Alam mo na ang kaya mo Walang limit, limit Limit, limit, limitasyon Sabi nila, itigil mo na Hindi ka iba, hindi ka iba Hanggang dito ka lang, hindi mo kaya Hindi ka iba, pakinggan mo ba Ipakita mo na ikaw ay iba Ipakita mo na ikaw ay iba Akala nila, tama sila Pero 'di 'yon ang mahalaga Puro sabi-sabi, tabi-tabi, bukod tangi 'Di mo kakilala pero laging bumabati Hila-hilang tali, paltos sabay kagat-labi Parang lahat ng taya mo'y 'di mo mababawi-bawi Puro sabi-sabi, tabi-tabi, bukod tangi 'Di mo kakilala pero laging bumabati Hila-hilang tali, paltos sabay kagat-labi Parang lahat ng taya mo'y 'di mo mababawi-bawi Sugal ng dukhang palaging panalo 'Di umobra na'ng plano Pangarap ko na bilhin pero wala pa ring pera Ano ang magkano? Salitang tila walang kuwenta Ano mang iyong binibenta Kahit may formalin, bakit bulok pa rin Ang amoy na siyang rumerenta Sa bahay na ang nakatira'y Walang kakati-katiwala sa 'yo Pero ang tunay na magnanakaw At kawatan ay ang katiwala nito Sali mo 'to, sinabi ko 'to Hindi ko 'to hiningi sa iyo Kaya kung hindi kinain ang niluto 'Di dapat sumama ang loob mo, gano'n talaga Oh, kahit ano pa ang sabihin nila Alam mo na ang totoo Na sarili lang naman talaga Ang limit, limit, limitasyon Kahit ano pa ang sabihin nila Alam mo na ang kaya mo Walang limit, limit Limit, limit, limitasyon Whoa, walang limitasyon Kaliwa't kanan, miski saan Ano man ang 'yong napiling daan Lagi mo lang tandaan na kahit kailan Ay hindi ka nila malilimitahan Abot-kamay na tagumpay Matagal ka nang inimbitahan Ngayon, wala nang ibang pipigil sa 'yo Kundi sarili mo lang Kung talagang magaling ka Kahit wala kang tinta 'Di mo kailangan ng matalinghaga na mga kataga Para sumarap ang pagkakatimpla 'Wag mong gayahin, galawan nila Gawin mo lang, 'wag kang magpadikta Kalimitan ang naglilimita sa 'yo Ay ikaw lang at wala nang iba Magpakita ng dedikasyon Pagkat hirang ay kampiyon ng pangarap Ang tanging limitasyon Imahinasyon kong napakalawak Magpakita ng dedikasyon Pagkat hirang ay kampiyon ng pangarap Ang tanging limitasyon Imahinasyon kong napakalawak Sabi nila, itigil mo na Hindi ka iba, hindi ka iba Hanggang dito ka lang, hindi mo kaya Hindi ka iba, pakinggan mo ba Ipakita mo na ikaw ay iba Ipakita mo na ikaw ay iba Akala nila, tama sila Pero 'di 'yon ang mahalaga Oh, kahit ano pa ang sabihin nila Alam mo na ang totoo Na sarili lang naman talaga Ang limit, limit, limitasyon Kahit ano pa ang sabihin nila Alam mo na ang kaya mo Walang limit, limit Limit, limit, limitasyon Oh, kahit ano pa ang sabihin nila Alam mo na ang totoo Na sarili lang naman talaga Ang limit, limit, limitasyon Kahit ano pa ang sabihin nila Alam mo na ang kaya mo Walang limit, limit Limitasyon