Binibini, 'di mo ba alam
Ang 'yong ganda'y nag-iisa
At hanggang pagtulog ko
Yakap ka sa panaginip ko

Sana'y paniwalaan mo
Tanging sa 'yo ang puso ko
At di ipagpapalit
Ikaw lang at walang ibang
Gusto

Pwede bang sa akin
Na lang ang iyong labing tila ubod
Tamis
Sana'y makapiling
At madama ang yakap sa gitna ng dilim
Sa atin lang ang bawat sandali
Kahit lumalim man itong gabi
Habang balat mo ay dumadampi
Nagiging akin nang unti unti

Aking binibini
Ikaw ang aking reyna
Lahat napapaibig mo
Sa taglay mong ganda
At wala kang kapareha
Kahit san tumingin
Isa kang makinang na bituwin
Binibini

Huwag sanang magtagal
Sana'y mapasaakin na
Ang pag-ibig mo
Nag-iisang pangarap ko

Pwede bang sa akin
Na lang ang iyong labing tila ubod
Tamis
Sana'y makapiling
At madama ang yakap sa gitna ng dilim
Habang balat mo ay dumadampi
Nagiging akin nang unti unti

Aking binibini
Ikaw ang aking reyna
Lahat napapaibig mo
Sa taglay mong ganda
At wala kang kapareha
Kahit san tumingin
Isa kang makinang na bituwin
Binibini

Kay tagal kitang hinanap hanap
Bawat sulok ng mundo'y sinuyod ko
Ngayong nandito ka na
Tanging nais ko'y mahalin ka

Aking binibini
Ikaw ang aking reyna
Lahat napapaibig mo
Sa taglay mong ganda
At wala kang kapareha
Kahit san tumingin
Isa kang makinang na bituwin
Binibini

Aking binibini
Ikaw ang aking reyna
Lahat napapaibig mo
Sa taglay mong ganda
At wala kang kapareha
Kahit san tumingin
Isa kang makinang na bituwin
Binibini