Naririnig kay lakas ng pintig Nagbabalik hangi'y sumasaglit Sumisigaw sana ngayo'y mawaglit Umuusbong tila bumubulong May bagong hatid ang pagkakataon Pagbibigyan o hahayaan na lang Sabi ng isip, huwag nang tanggapin Sabi ng puso'y muling mahalin O bagyo, bakit hanggang ngayo'y naririto? Bakit 'di magawa ang lumayo? 'Di matanto, o bagyo Maari na bang buksan ang puso ko Wala na nga bang pag-asang matanaw? Bagong araw, o bagyo Sumisilip kahit sa panaginip Huwag ipagkait, konting liwanag mo Na sasagip, turuan muling umibig Sabi ng isip, huwag nang tanggapin Sabi ng puso'y muling mahalin O bagyo, bakit hanggang ngayo'y naririto? Bakit 'di magawa ang lumayo? 'Di matanto, o bagyo Maari na bang buksan ang puso ko Wala na nga bang pag-asang matanaw? Bagong araw, o bagyo Unti-unting ika'y naglalaho Upang bigyang daan, bagong araw Natatanaw, o bagyo