Pikit matang tumaya Bawat hakbang Ika'y kasama, ika'y karamay 'Di alam kung bakit ba Tumalon nang bigla 'Di naman pala sasamahan Bakit nung naging matapang? Do'n rin iniwan Nung ika'y pinaglaban Tinalikuran mo, bakit gan'to? Pero okay lang ako Kakayanin 'to 'Di naman kawalan 'Di naman nawalan Ng pag-ibig sa mundo Kahit mag-isa ako Okay lang ako Okay lang, okay lang Nagtatanong sa buwan Kung anong kulang Ba't umalis nang biglaan? Anong mali? Anong tama? Ba't ka nawala? Saan nagkulang? Anong kasalanan? Okay lang ako Kakayanin 'to 'Di naman kawalan 'Di naman nawalan Ng pag-ibig sa mundo Kahit mag-isa ako Okay lang ako Okay lang, okay lang Okay lang ako kahit naubos na sa'yo Ang pagmamahal na sa sarili ko na lang Sana hindi na lang kita nakilala Pero okay lang ako Okay lang kahit ginan'to mo Alam ko naman, 'di lang ikaw ang babae sa mundo Pero okay lang ako Kakayanin 'to 'Di naman kawalan 'Di naman nawalan Ng pag-ibig sa mundo Kahit mag-isa ako Okay lang ako Okay lang, okay lang Bakit ganito? Inaamin ko 'Di makawala sa kadena ng pag-ibig mo Pinilit maging masaya pero aamin na Sana okay lang, okay lang ako, oh