Madilim ang paligid 
May tumawag sa pangalan ko
Labing isang palapag
Tinanong kung okay lang ako
Sabay abot ng baso
May naghihintay
At bakit ba pagnagsawa na ako 
Biglang ayoko na 

At ngayon di pa rin alam
Kung ba't tayo nandito
Pwede bang itigil muna 
Ang pag-ikot ng mundo

Lumiwanag ang buwan
San juan
Di ko na nasasakyan 
Ang lahat ng bagay ay gumuguhit
Na lang sa'king lalamunan
Ewan ko at ewan natin 
Sinong may pakana
At bakit ba tumilapon ang
Gintong alak dyan sa paligid mo

At ngayon di pa rin alam
Kung ba't tayo nandito
Pwede bang itigil muna 
Ang pagikot ng mundo

Umiyak ang umaga
Anong sinulat ni enteng at joey dyan
Sa pintong salamin
Di ko na mabasa
Pagkat merong nagbura ahhh... 

Ewan ko at ewan natin 
Sinong may pakana
At bakit ba tumilapon ang spoliarium 
Dyan sa paligid mo 

At ngayon di pa rin alam 
Kung bakit tayo nandito
Pwede bang itigil muna
Ang pagikot ng mundo
Pwede bang itigil muna 
Ang pagikot ng mundo 
Pwede bang itigil muna
Ang pagikot ng mundo...