Ang hirap matulog
Hirap ring bumangon
Pinipilit huminga
Nalulunod
'Di na maka-ahon

'Di maipaliwanag
Hindi makagalaw
Gustong magpahinga
Huminahon
Ang isip naliligaw

Ubos na? (ubos na)
Tapos na? (tapos na)
Nag-iisa?
Nag-iisa

Hindi na mabilang
Ang oras na ibinigay
Hinuli ang sarili
Para sa tao't
Mga bagay na walang saysay

Nawala't nagtatanong
Ang diwa'y lumulutang
Pinipilit gumalaw
Itawid, kahit gumagapang lang

Kaya pa? (kaya pa)
Meron pa? (meron pa)
Kahit na nag-iisa

Wala na
Para sa sarili lang