Ano ba 'tong pinasok ko ibang mundo
Di natatapos ang puso ko'y sumasabog sayong haplos
Saan kaya patungo ang mga sinabi mo
Siguradong di ka rin sigurado
Damdamin ko'y sumisigaw kahit na namamaos
Sa kapit ng iyong kamay

Wag sanang bibitawan sa gitna ng kalituhan
Samahan mo ako hanggang dulo
Maubos man ang tapang ikaw ay ipaglalaban
Maligaw ka man, mahahanap mo pa rin ako
Wag ka sanang malito

Mga sulok na di ko matagos lumalayo at natatakot
Ang totoo, di ko na alam kung ano ang totoo
Pero wag magalala hindi ako napapagod
Sa iyong kamay kumakapit

Wag sanang bibitawan sa gitna ng kalituhan
Samahan mo ako hanggang dulo
Maubos man ang tapang ikaw ay ipaglalaban
Maligaw ka man, mahahanap mo pa rin ako
Wag ka sanang malito
Wag ka sanang lumayo

Wag ka naman sanang lumayo...