Salamat at nandyan ka pa
Kahit nag alisan na sila

Di mo ako iniwan
Hindi ka umalis

Di mo tinalikuran
Hindi ka nainis

Sinamahan mo ako
Ngayong mag isa ako

Walang wala nang ilalaan
Dalang dala
Buti na lang

Binuhat mo ako nung di ko na kaya pang tumayo sa 'king mga paa
Niyakap mo ako nung ang buhay ko'y tila gumuho ayoko na

Sa lahat ng aking mga nilapitan
Hindi ka lumayo
Ikaw ang nakapitan

Ang tanging nasabihan ng lahat
Mga hinanakit ko na kagat kagat

Buhat buhat tila ang bigat
Bakit ako lang ang may pasan
Laging salungat sa mga inaasam asam

Tibay mo ang syang nag bibigay sa akin ng pag asa
Tuwing pait nalamang ang natitikman na lasa

Sa buhay ko na madaya sadyang mapanlinlang
Kalungkutan sa ligaya ang tunay na matimbang

Ang natitira na lamang ay ang kaisa isang
Karamay aakayin ka ng walang katuwang

At hindi ka bibitawan kahit gano katarik
Mag lalaho ang sakit pagkatapos ng halik

Wala nang bawian pagkat di na puwedeng ibalik
Ang ibibigay ko sayo'y sadyang walang kapalit kahit masakit

Dito na lang